Dahilan Kung Bakit Ako Nagsusulat
Lahat naman tayo ay may iba-ibang paraan para maipahiwatig natin ang ating mga ideya o saloobin at itong pagsusulat ay isa sa mga paraan ko.
Nagsimula akong magsulat noong nasa elementarya pa ako. Ngayon ko nga lang nalaman na nagsusulat pala ako dahil may nakita akong notebook ko noong nasa grade 2 pa ako na may mga kwentong ewan. Nakalimutan ko ata na nagsusulat ako noon HAHAHAHA
Yun nga. Binasa ko lahat ng laman nun. Minsan nga ay natatawa ako kasi halata na isang bata ang sumulat nun. May kwento nga ako dun na tungkol sa isang anghel na nahulog daw sa langit at hinahabol ng mga demonyo. Napaka EXTREME na plot at may kasamang drawing pa! Hahahaha! Natawa ako sa sarili ko nung nakita ko yun.
May minsan din na nagsusulat ako dahil sa narinig kong kanta na gustong-gusto ko at ginagawa ko yung pundasyon para gumawa ng plot.
May pagkakataon naman na may dinadama ako at dahil hindi ako yung expressive na tao o palasalita kung ano man ang nararamdaman ko, dinadaan ko ito sa pagsusulat ng kwento. Iniisip ko yung sarili ko at yung mga nagaganap sa buhay ko at ginagamit yun bilang gabay para makapagsulat upang gumaan-gaan naman ang bigat sa dibdib ko. Kumbaga, sinasabi ko ang nararamdaman ko sa lahat ng nakakabasa pero in an indirect way.
Sa totoo lang, isa akong depressed na tao at ang laslas ko ay ang pagsusulat. HAHAHAHA! Totoo ang sinasabi ko. Pag nagsusulat ako, feeling ko nawawala ako sa mundo which is kailangang kailangan ko sa tuwing inaatake ako ng depresyon ko. Last year ko lang naisip ang paraang ito at ang masasabi ko lang ay isa itong napakagandang ideya dahil hindi ko nasasaktan ang sarili ko at lalo na ang mga taong nagmamahal sa akin.
Yan lang muna. :)
- IamDeville