top of page

Depression Kills


She might be smiling, but inside, she secretly cries.

She might be laughing, but inside, she slowly dies.

Depression.

Eto yung pag tumatawa ang isang tao at saka bigla-biglang titigil. At sa sandaling yun ay mapapalitan ang kaniyang labi ng isang pilit at mapaklang ngiti.

Eto yung pag tinanong mo kung okay lang ba ang isang tao, tititigan ka muna nito sa mata, umaasang sana... sana magawa mong makita sa kaniyang mga mata na hindi siya okay sa kabila ng kaniyang "Okay lang ako."

Eto yung pag nasaktan siya o pag nagkamali siya, sasabihin niya lang na "Sanay na ako.". Sanay na siyang nasasaktan at nagkakamali. Parang, pag may gagawin siya, nakatatak sa isipan niyang mabibigo siya.

Eto yung inaakala mong simpleng kalungkutan lamang. Pero hindi eh. Ang kalungkutan ay isang napaka liit na parte ng depresyon. Minsan, nasasabihan mo pa siya ng sensitive at o.a. Pero hindi mo naman alam na hindi niya piniling maging ganun kasi pag depressed ka, nagkukusa yun.

Nagkukusa ang pag-aalala, ang pagkaramamdam na wala kang kwenta. Nagkukusa lahat. Kaya please lang, wag na wag mo siyang tatawagin nun.

Minsan, may magsasabing "Bakit hindi mo sinabi?"

Sinabi niya.

Sinabi niya nung bigla siyang nagbago, Yung masayahing kilala niyo, madalas na nagiging malungkot o nagiging cold. Yun bang wala halos maramdaman?

Sinabi niya nung ngingiti siya tapos biglanng iiyak.

Sinabi niya nung tinanong ka niya kung ano ang feeling pag nawala ka na sa mundo.

Sinabi niya nung bigla lang siyang nagkukulong sa kwarto.

Sinabi niya nung hindi na siya kumakain ng maayos at pumapayat.

Sinabi niya nung nakita mo siyang umiiyak sa gitna ng kaniyang tulog na para bang siya ay binabangungot.

Sinabi niya nung bigla nalang siyang tumititig sa kawalan at ang mukha niya ay walang ekspresyon. Na para bang walang makapagsasaya sa kaniya.

Sinabi niya nung niyakap ka niya ng mahigpit at hindi nagsasalita.

Ilang beses niya nang sinabi. Ang tanong....

Nakinig ka ba?

Ang depresyon kasi, hindi mo naman yan mai-explain sa paraang maiintindihan ng ibang tao. Hindi yan DIRECTLY na nagpaparamdam sa iba. Pero may isang paraan para marinig mo ng maayos ang mga pinagsasabi niya.

Tignan mo ang kaniyang mga mata.

Kumikinang ba ito? May buhay ba ito?

Kasi nga diba, the eyes are the windows of the soul.

Pagmasdan mo siya ng maigi at hangga't maaari, iparamdam mo sa taong yun na andiyan ka. Na may masasandalan siya. Na may maiiyakan siya. Na may mapagkukwentuhan siya. Na may nagmamahal sa kaniya.

Truth be told, hindi madali ang pagsugpo sa depresyon.

Mahirap.

Naaaapaka hirap.

Kaya't hangga't maaga pa, umaksyon ka na. Kasi ang depresyon?

Tatahi-tahimik lang yan, pero nakamamatay.

- IamDeville

Featured Review
Tag Cloud

© 2016 by IamDeville. Proudly created with Wix.com

  • Twitter - Black Circle
  • Wattpad_Icon_iOS-300x300
bottom of page