top of page

Ang Pagpapalaya


Hi *****,

Kumusta ka na? Kung okay ka lang, edi maganda. Kung hindi, hindi ko na problema yun. Hehehehe. Sinulat ko ang liham na ito sapagka't nais kong sabihin sayo ang hindi ko nagawang masabi noong ikaw ay naririto pa lamang.

Una sa lahat, I'm sorry. Sorry kasi hindi ko napanindigan ang pangako kong ipaglaban ka hanggang sa huli. Sorry kung nasaktan kita sa nagawa ko,

Pangalawa, kung ano man yung ginawa ko, may dahilan yun. Gusto ko kasing malaman kung handa mo rin ba akong ipaglaban. Oo, nangako kang hindi mo bibitawan ang kamay ko kahit anong mangyari at naniwala ako dun. Kaya ko yun nagawa kasi gusto kong subukan ka kung panghahawakan mo ba yung pangako mo sa akin.

Pero hindi,

Bumitiw ka sa pag-aakalang hindi na kita mahal, Hindi mo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag kasi naunahan mo ng "Naiintindihan ko.". Hindi mo naiintindihan.

Umasa akong mas hihigpitan mo ang kapit mo sa akin kasi nitong mga nakaraang araw ay panay ang sabi mo na "Okay lang kung makahanap ka ng iba.". Masakit yun, alam mo ba? Hindi ko lubos maintindihan kung bakit mo nasabi yun. Parang handa kang bitawan ako kaya ayun. Nagawa kong subukan ka at nabigo naman ako dahil umalis ka kaagad.

Ngayon, isang taon na ang lumipas. Naiisip parin kita, alam mo ba yun?! Loko ka ah. Hehehe. Nakapag-move on naman na ako't may nagugustuhan na rin. Pero sabi ko nga diba? Naiisip parin kita. Minsan naiiyak pa ako eh. Alam mo kung bakit? Kasi lahat tayo ay may kaisa-isang taong hinding hindi natin malilimutan. At para sakin, ikaw ang taong yun.

Binalikan ko lahat ng mga pangyayari sa pagitan nating dalawa at masaya ako sa tuwing naalala ko yun. Oo, sinasabi ng mga kaibigan kong hindi ka totoo at napaisip ako. Napaisip na baka nga. Baka nga hindi ka totoo. Baka nga ay napag-laruan lang ako.

Pero gusto kong magsinungaling sa sarili ko. Gusto kong maniwala parin sa'yo. Gusto kitang makita. Makita lang kita, okay na yun sa'kin. Pero imposible na yun. Kasi unti-unti na akong nilalamon ng pessimista kong sarili na siyang nangungumbinsi sa aking paniwalaan ang mga kaibigan ko at UTANG NA LOOB WAG NA AKONG MAGPAKATANGA.

Sa tuwing maiisip ko yun, sumasakit ang puso ko. Matagal rin ako nagisip-isip hanggang sa tumigil ako at gumawa ng isang konklusyon,

Ituturing kita na isang panaginip. Isang napaka gandang panaginip. Minahal kita, totoo ka man o hindi.

Minahal kita at alam mo bang masyadong malaki ang naging tatak mo sa buhay ko kaya ganun?! Tss.

Itong liham na'to ang magsisilbing hudyat ng buong puso kong pagpapalaya sayo at sa mga magagandang salita na tumatak sa sistema ko. Gusto kong bigyan ng sagot ang huli mong sinabi.

"Paalam, mahal ko. Masaya ako't nakilala kita."

Nagmamahal,

***

Featured Review
Tag Cloud

© 2016 by IamDeville. Proudly created with Wix.com

  • Twitter - Black Circle
  • Wattpad_Icon_iOS-300x300
bottom of page